Thursday, April 26, 2012

cover??

napagtripan namin ng mga friends ko na gumawa ng cover ng mga kanta na ang karamihan ay di ko pa naririnig...

napagplanuhan namin ang lahat at nagkaroon ng final decision the night before the said event... ang galing talaga namin basta pagpaplano

pagpunta namin sa bahay ng isa sa mga tropa, napagpasiyahan namin na pumili ng mga kanta na gagawan ng cover kaya ginamit namin ang aming mga kakayahan sa pagreresearch at yun nga, inabot kami ng tanghalian sa paghahanap...

nagtanghalian kami nang eksakto 12:00 ng tanghali... pagkatapos ay inintay namin ang isa pang member para masimulan na ang kailangan gawin...

...
...
...
marami naman kami natapos na kanta kaya lang karamihan eh FAIL...(its either nagkakamali ako ng chords na gamit, nag-iiba yung lyrics, o kaya ay may topak yung camera na ginagamit)

at yun na nga... nakagawa kami ng cover para sa 3 kanta plus 3 "wala lang videos"...
si lightningsnow ay tuwang-tuwa sa mga nangyari kaya ipinopromote nya ang kanyang kanta entitles "kasama kayo"...

http://akosilightningsnow.blogspot.com/2012/04/masarap-ang-magsama-sama.html

at yun na nga... ang paalam ko pa naman sa mama ko ay 2pm ako uuwi, tapos 6pm na nasa daan pa lang ako papunta sa terminal...

hay buhay nga naman... ang hirap maging musician kasi matututong magmura ang daliri mo...

"music is my passion"

No comments:

Post a Comment