Wednesday, April 25, 2012

camping is one piece of ... (nakatapak ako ng t** ng baka) PART 1

GRABE!!!!

that's all i have to say in one word: GRABE!!!

biruin mo, kaylangan kong gumising ng 4am(actually 5:30am na ko nagising) para maghanda sa camping?!?!

tapos byahe pa na nakasakay sa jeep...

mga kaylangan dalhin:
1. mga pamalit (meron akong dala na pang-isang palitan lang)
2. mga panligo (wala kong dalang twalya kaya yung pinalitan kong t-shirt ang pinantuyo ko ng katawan)
                       (wala rin akong sabon at shampoo kasi pwede namang manghingi sa mga masisipag... ika nga eh "God will provide")
3. jacket (nagyeyelo kasi sa lamig dun sa campsite at l***** nga naman! yun pa yung nakalimutan ko)
4. mga pagkain at lutuan (may dala kaming bigas at mga de lata na pang-isang kainan lang kaya nagpahabol ng dala ng instant noodles... meron din kaming isang kaldero... ang problema, yung kaldero ay para lamang sa kanin... san namin ngayon lulutuin ang l***** na noodles na yan?!?!?!)
5. tent (pde yung maliit na pang-camping talaga o kung maparaan ka e pwede na rin yung ginagamit kapag may lamay)
6. utak (pinakaimportante to kasi kapag naiwan mo to sa bulsa ng nanay mo eh di ka tatagal ng isang oras)

at yan ang mga kat****han ko pagdating sa mga kaylangan dalhin...

scumbag memory...

"i think, therefore, i am"

end of part 1

No comments:

Post a Comment