Thursday, April 26, 2012

pokemon...

ang pokemon ay isang anime/laro na nauso noong ako ay bubwit pa lamang...

kaso kahit ngayong matanda na ko eh favorite ko pa rin ito...

i'll say it once again, "FAVORITE KO ANG POKEMON HANGGANG NGAYON!!"

siguro iisipin nyo na napakaisip-bata ko dahil sa favorite ko pero anong magagawa ko eh para sakin ay napakaganda ng pokemon...

fun is for all ages di ba? so why should we judge people just by the things they like? marami kasing mga tao ang nagsasabi na pambata lang ang mga ganito... bakit, bata lang ba ang pwedeng magsaya?

ano ang nagustuhan ko sa pokemon?
1. creative ang pagkakagawa sa mga creatures na to kasi nagawan nila ng mga species ang iba't ibang hayop na parang crossbreed sa ibang species...
2. may moral lesson din naman at konting drama yung anime...
3. tinuturuan ka nitong mging matiyaga sa panghuhuli at pagpapalakas ng mga pokemon...
4. nakakabawas stress

so ano ang masama sa favoritism sa pokemon?

at ngayon ay maglalaro na ko ng pokemon sa vba na ilang beses ko na natapon pero gusto ko pa ring ulit-ulitin...

"a wild nokheos appeared"

cover??

napagtripan namin ng mga friends ko na gumawa ng cover ng mga kanta na ang karamihan ay di ko pa naririnig...

napagplanuhan namin ang lahat at nagkaroon ng final decision the night before the said event... ang galing talaga namin basta pagpaplano

pagpunta namin sa bahay ng isa sa mga tropa, napagpasiyahan namin na pumili ng mga kanta na gagawan ng cover kaya ginamit namin ang aming mga kakayahan sa pagreresearch at yun nga, inabot kami ng tanghalian sa paghahanap...

nagtanghalian kami nang eksakto 12:00 ng tanghali... pagkatapos ay inintay namin ang isa pang member para masimulan na ang kailangan gawin...

...
...
...
marami naman kami natapos na kanta kaya lang karamihan eh FAIL...(its either nagkakamali ako ng chords na gamit, nag-iiba yung lyrics, o kaya ay may topak yung camera na ginagamit)

at yun na nga... nakagawa kami ng cover para sa 3 kanta plus 3 "wala lang videos"...
si lightningsnow ay tuwang-tuwa sa mga nangyari kaya ipinopromote nya ang kanyang kanta entitles "kasama kayo"...

http://akosilightningsnow.blogspot.com/2012/04/masarap-ang-magsama-sama.html

at yun na nga... ang paalam ko pa naman sa mama ko ay 2pm ako uuwi, tapos 6pm na nasa daan pa lang ako papunta sa terminal...

hay buhay nga naman... ang hirap maging musician kasi matututong magmura ang daliri mo...

"music is my passion"

Wednesday, April 25, 2012

preparation

commercial lang muna to...

babalik mamaya yung kwento ko tungkol sa camping...

kaylangan ko na kasi magprepare ng aking sarili para sa lakad ng barkada bukas eh...

si lightningsnow kasama dun...

jamming na naman na parang mga lasing ang kalalabasan nito...

ittry namin na magshoot ng guitar cover ng ilang mga kanta kaya lang happy b-day lang ang alam ko tugtugin XDD

ayos lang yan... walang imposible sa taong madiskarte >:D

naalala ko tuloy yung isang motto:
"Kaya n'yo 'yan!"

at dahil dito, matutulog na ko...

"hanggang sa susunod mga bata, PAALAM!!!" ~ Son Goku



"An unexamined life is not worth living"

camping is a piece of... (nakatapak ako ng t** ng baka) PART 3

ANG WHEELCHAIR.... BOW!!!

at napagtripan ko nga ang wheelchair...

meron kasing mga wheelchairs na nakaparada dun sa isang area sa "roofed" part ng "campsite"...

at yun na nga, umiral ang pagkaisip bata ng loko...

...
...
...

ANG SARAP NG FEELING!!!!

wooohoo!!! feeling ko F1 driver ako kapag nakasakay sa wheelchair... may mga drifting pa kong nalalaman...

tapos tinry ko pa umakyat dun sa slope na meant for disabled (as in para sa mga totoong gumagamit ng wheelchair... alam nyo naman siguro ang itsura non di ba?)

ang resulta, super worked-out na muscles sa kamay at braso... malay ko bang katumbas ng isang akyatan sa 15-degree slopes na yun ay 100 push-ups... ayan tuloy, parang ang laki ng biceps ko pero wala akong abs...

naghamunan din kami ng mga loko kong kasama na mag-racing daw kami... the catch is that dun kami sa part na konting dulas mo lang eh sa kangkungan ka na pupulutin (alam nyo na yun di ba?)

at marami rin na nagkalat na, as quoted by my friend, "Black Forest"... parang maglalaro ka ng minesweeper kapag dun ka pumunta sa area na yun...

buti na lang at medyo matino pa ang pag-iisip ko kaya di ko pinatulan ang retarded na humamon sa'kin...

at the end of the fun, akala namin papaluin kami sa pwet ng mga guard kasi pinaglalaruan namin yung mga wheel chair... buti na lang mukhang nakakarelate sila sa'min kaya pinalagpas na lang kami... (actually, iniintay ko na maupo yung isang guard sa isa sa mga wheelchairs eh... XDD

end of part 3

camping is a piece of... (nakatapak ako ng t** ng baka) PART 2

at nagsimula na nga ang camping...

nagsisisi pa rin ako dahil di ko dinala ang jacket kasi byahe pa lang eh nagyeyelo na ang katawan ko...

pagdating dun sa lugar, set-up muna ng tent... (may jerbaks pa ng baka dun sa may site namin kaya nahirapan kami na magset-up)

tapos kainan ng breakfast(and lunch) then ikot-ikot(hanggang mahilo)

then...

ANG KAMALASAN NGA NAMAN!!! umulan ng napakalakas kaya yung tent namin ay nalabhan sa putik... basa ang mga gamit sa loob kaya todo hakot kami na parang mga nasalanta ng bagyo... parusa pa kasi nasa baba ng slope ang site tapos nasa taas yung area na may bubong... (by the way, sa bunduking lugar kami nagcamping)

parang mga basang sisiw na kalalabas pa lang sa sinapupunan yung mga kasama ko... i repeat nung MGA KASAMA KO... hindi kasi ako sumama sa paghahakot dahil on the first place, naka-secure na ang gamit ko sa lugar na hindi mababasa kaya bahala sila... MWAHAHAHAHAHA!!!!!

at yun na nga ang nangyari...

actually last year nagcamping na rin kami na tulad nito and same problem: BINAGYO

di naman nagtagal eh tumigil din ang ulan kaya kanya-kanyang magpapatuyo ng tent ang ginawa ng mga campers....

nung kasikatan na ng araw eh may nakita na ko na nakasampay na underwear sa bubungan ng mga tent... (sign ata yun na tapos na ang malaking baha)

"rain, rain go away come again another day"

napaka-init nung mga nakaraang araw tapos kung kelan kami nagcamping saka umulan... galit kaya sa amin si mother nature?

end of part 2

camping is one piece of ... (nakatapak ako ng t** ng baka) PART 1

GRABE!!!!

that's all i have to say in one word: GRABE!!!

biruin mo, kaylangan kong gumising ng 4am(actually 5:30am na ko nagising) para maghanda sa camping?!?!

tapos byahe pa na nakasakay sa jeep...

mga kaylangan dalhin:
1. mga pamalit (meron akong dala na pang-isang palitan lang)
2. mga panligo (wala kong dalang twalya kaya yung pinalitan kong t-shirt ang pinantuyo ko ng katawan)
                       (wala rin akong sabon at shampoo kasi pwede namang manghingi sa mga masisipag... ika nga eh "God will provide")
3. jacket (nagyeyelo kasi sa lamig dun sa campsite at l***** nga naman! yun pa yung nakalimutan ko)
4. mga pagkain at lutuan (may dala kaming bigas at mga de lata na pang-isang kainan lang kaya nagpahabol ng dala ng instant noodles... meron din kaming isang kaldero... ang problema, yung kaldero ay para lamang sa kanin... san namin ngayon lulutuin ang l***** na noodles na yan?!?!?!)
5. tent (pde yung maliit na pang-camping talaga o kung maparaan ka e pwede na rin yung ginagamit kapag may lamay)
6. utak (pinakaimportante to kasi kapag naiwan mo to sa bulsa ng nanay mo eh di ka tatagal ng isang oras)

at yan ang mga kat****han ko pagdating sa mga kaylangan dalhin...

scumbag memory...

"i think, therefore, i am"

end of part 1

the return of the come back...

and now im back...

i don't know where to start in sharing my adventure these past few days...

im not able to post something for a while because i have no access to the net for about 4 days...

im soooooooooo busy that i have no time for myself      T^T

but now im back and im as good as new...

so i'll bombard this place with lots of posts regarding my adventure to neverland XDD

Friday, April 20, 2012

magppromote na naman...

sabi sa'kin ni lightning snow, magpost daw ako dito ng tungkol sa mga anime...

actually, isa kong anime lover...

mahilig akong manuod ng anime lalo na yung action packed at yung mapapaisip ka talaga...

meron akong qualifications para masabing maganda ang isang anime:

1. kaylangan maganda ang graphics (pero babase din yun sa tema ng anime)
2. kaylangan hindi magulo ang storyline (pwede rin namang may twist basta hindi ka maffeature sa happy tree friends kapag sumabog ang utak mo kakaisip)
3. kaylangan effective ang drama (yung tipong pwede mo na ulit inumin ang luha mo kapag napanood mo)
4. at higit sa lahat, dapat unique (pangit kaya yung gaya-gaya lang sa ibang anime)
5. (optional) makakadagdag sa rating kung may pagka-ano ang anime (based on lightningsnow's description)



hindi lang naman anime ang sinusubaybayan ko...

nagbabasa rin ako ng manga (japanese comics) at ska mga light novels

at dahil jan, ipinopromote ko ang libro ni lightningsnow...

dito nyo na lang tingnan sa blog nya...

http://akosilightningsnow.blogspot.com/2012/04/come-on-my-second.html

nakakatamad kasi mag-upload eh...

trabaho lang po yan, walang personalan...

second installment na yan ng series kaya maganda kung babasahin nyo rin yung iba...

at promise, di kayo magsisisi kapag nabasa nyo na yan...


office work...

kakatapos lang ng isa na namang nakakapagod na araw...

ang dami kong ginawa ngayon, at tulad ng na-predict ko, nagkasabay-sabay yon lahat...

di ko tuloy alam kung kaylangan ko bang mag-BILOCATE para magawa lahat to eh...

buti na lang at lahat ng kailangan gawin ay natapos nang mas maaga kaysa sa inaasahan...

.....haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyy!!!! ^^

pero may dumagdag na naman ngayong gabi...

kailangan kong mag-encode ng napakaraming pangalan ngayon at dahil diyan, nakapag-online ako ngayon...

buti na lang at may excuse para sa paggamit ng computer XDD

pero in the end, what matters is that we learn to set our goals in life...

drama effect.. echos lang XDD

"for record"

Thursday, April 19, 2012

Paradox of life...

bakit ba masarap magpuyat kung kailan may importanteng gagawin kinabukasan...

Things to do:
1. umalis ng bahay at exactly 7:00am
2. meeting at exactly 8:00am
3: practice at 10:00am (kung hindi matatapos ng 10:00am yung meeting, pwede rin namang pagsabayin)
4. lunch (marunong din naman akong kumain)
5. practice for a different something something at 2:00pm(hindi ko sinasabi exactly kung ano yon kasi malalaman nyo ang affiliation ko sa buhay at baka malaman nyo rin kung sino ako)
6. tatakas sa praktis at 4:00pm (gusto ko rin namang magpahinga)
7. bubuksan ko ulit tong blog ko para malaman na ako rin lang ang tumitingin dito...

bakit ganun?

kung kelan puno ang sched ko, saka ako nagkakainteres magkalikot ng mga ganitong bagay sa internet?

si LightningSnow kasi eh... napagaya tuloy ako...

ad infinitum...

bakit nga ba?

bakit kaya kaylangan hidden ang identity namin?

baka may ibang makaalam ng kalokohan? (if you know what i mean)

or just too shy lang kami?

well, whatever that is, sakay na lang tayo sa trip...

walang basagan... ang importante lang naman ay masaya tayong lahat...

MWAHAHAHAHAHAHA!!!!!

taga-promote na naman ako...

bago ang lahat...

andito nga rin pala ako dahil magppromote kami ni LightningSnow ng libro nya...

tingnan nyo na lang sa blog nya...

http://akosilightningsnow.blogspot.com/2012/04/come-on-my-first.html

ayan!!

ba dum tss!!!

In the beginning...

ok... so anu na kaya ang gagawin ko? this is my first blog and i don't know what to say XDD

bahala na sa mga susunod na araw kung ano pa ang ilalagay ko dito...

for now, tulog muna... masama ang napupuyat...

ba dum tss!!!