Wednesday, April 25, 2012

camping is a piece of... (nakatapak ako ng t** ng baka) PART 2

at nagsimula na nga ang camping...

nagsisisi pa rin ako dahil di ko dinala ang jacket kasi byahe pa lang eh nagyeyelo na ang katawan ko...

pagdating dun sa lugar, set-up muna ng tent... (may jerbaks pa ng baka dun sa may site namin kaya nahirapan kami na magset-up)

tapos kainan ng breakfast(and lunch) then ikot-ikot(hanggang mahilo)

then...

ANG KAMALASAN NGA NAMAN!!! umulan ng napakalakas kaya yung tent namin ay nalabhan sa putik... basa ang mga gamit sa loob kaya todo hakot kami na parang mga nasalanta ng bagyo... parusa pa kasi nasa baba ng slope ang site tapos nasa taas yung area na may bubong... (by the way, sa bunduking lugar kami nagcamping)

parang mga basang sisiw na kalalabas pa lang sa sinapupunan yung mga kasama ko... i repeat nung MGA KASAMA KO... hindi kasi ako sumama sa paghahakot dahil on the first place, naka-secure na ang gamit ko sa lugar na hindi mababasa kaya bahala sila... MWAHAHAHAHAHA!!!!!

at yun na nga ang nangyari...

actually last year nagcamping na rin kami na tulad nito and same problem: BINAGYO

di naman nagtagal eh tumigil din ang ulan kaya kanya-kanyang magpapatuyo ng tent ang ginawa ng mga campers....

nung kasikatan na ng araw eh may nakita na ko na nakasampay na underwear sa bubungan ng mga tent... (sign ata yun na tapos na ang malaking baha)

"rain, rain go away come again another day"

napaka-init nung mga nakaraang araw tapos kung kelan kami nagcamping saka umulan... galit kaya sa amin si mother nature?

end of part 2

No comments:

Post a Comment